^

Probinsiya

5 preso pumuga

-
LUCENA CITY – Pinaniniwalaang sugatan ang limang pumugang preso mula sa Tanauan City jail makaraang makipagbarilan sa tumutugis na mga awtoridad sa Andaman Village, Barangay Gulang-Gulang sa lungsod na ito kahapon ng madaling-araw.

Kahit na kinordonan ng pulisya ang pinagtataguan ng mga pugante ay nakuha pang makatakas nina Romeo Lingkuran, 32, ng Atimonan, Quezon, Geraldo Andrade, 35, ng Sariaya, Eduardo Fernandez ng Lucena City ay pawang nahaharap sa kasong kidnapping: Domingo Lanceta, 40, at Richard Gumayao, 30, na kapwa residente ng Barangay 7 at Pantay Matanda, Tanauan City at may kasong murder.

Sa ulat na isinumite kay P/Supt. Edgar Layon, chief of police sa lungsod na ito, pinagtulungang saksakin ng mga preso si JO1 Godofredo Aquino saka hinostage matapos na buksan nito ang selda para magbigay ng hapunan sa 86 na bilanggo.

Ayon sa ulat, hindi naman mapaputukan ng kasamang pulis na si JO1 Gereno Fetalvero ang may hawak kay Aquino sa takot na tamaan ang kabaro.

Agad namang nakapuga ang lima at tinangay ang Toyota Land Cruiser na may plakang PKP-660 na pag-aari ni Eriberto Manalo.

Sinibak naman sa puwesto si Tanauan City BJMP warden Jail Officer Senior Insp. Norberto Abuda at pansamantalang pinalitan ni Jail Insp. Arvin Abastillas. (Ulat nina Tony Sandoval, Arnell Ozaeta at Celine Tutor)

ANDAMAN VILLAGE

ARNELL OZAETA

ARVIN ABASTILLAS

BARANGAY GULANG-GULANG

CELINE TUTOR

DOMINGO LANCETA

EDGAR LAYON

EDUARDO FERNANDEZ

ERIBERTO MANALO

TANAUAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with