Karnaper tumba sa barilan
February 9, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Napaslang sa pakikipagbarilan sa pulisya ang notoryus na miyembro ng carnapping syndicate habang isa pa ang nasakote sa operasyon sa General Santos City kamakalawa ng hatinggabi.
Sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi nang magsagawa ng entrapment operation ang PNP intelligence unit at Special Weapons and Tactics Unit (SWAT) ng General Santos City Police Office.
Kinilala ang napaslang na suspek na si Arnold Besino, habang ang nadakip naman ay si Fermin Tokal.
Nabatid na ang dalawang suspek na sina Besino at Tokal ang pakay ng dragnet operations matapos na matunton ang pinagtataguan sa Pioneer Village, Brgy. Lagao, ang target ng entrapment.
Nasamsam mula sa mga suspek ang cal .38 revolver, fragmentation grenade at pagkabawi ng Honda Dream Motorcycle na pag-aari ni Edgardo Taculao, isa sa mga biktima ng naturang carnapping syndicates noong Disyembre 2003. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended