Drayber at pahinante tinodas ng mga maninikwat
February 9, 2004 | 12:00am
BULACAN Dalawang tauhan ng gasoline tanker ang iniulat na tinodas ng mga hindi kilalang kalalakihang nanikwat ng kargamento ng mga biktima makaraang matagpuan ang kanilang bangkay sa ilalim ng tulay na sakop ng Barangay Caingin, San Rafael, Bulacan kamakalawa ng hapon.
Kapwa nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo ang mga biktimang sina Jack Florentino, 34, may asawa, drayber, ng Northwood, San Rafael, Bulacan at Rodolfo Gumatay, 40, may asawa ng Lapugan, Gataran, Cagayan.
Narekober naman ang gasoline tanker na walang laman at inabandona sa gilid ng kalsadang sakop ng Calumpit-Pulilan Road, Barangay Pungo, Calumpit, Bulacan.
Base sa ulat ng pulisya, umalis ang tanker na sinasakyan ng mga biktima sa Caltex Pandacan, Maynila at patungo sana sa Tuguegarao, Cagayan para ihatid ang libong litro ng gasolina na nagkakahalga ng P.4 milyon.
Hindi nakarating sa takdang oras ang gasoline tanker sa patutunguhan hanggang sa matagpuan ang dalawang bangkay ng biktima kasunod din nadiskubre ang inabandonang tanker. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest