Bahay ng mayor pinaulanan ng bala
February 7, 2004 | 12:00am
KAMPO SIMEON OLA Pinaulanan ng bala ng mga hindi nakikilalang mga armadong suspek ang bahay ng incumbent mayor ng San Fernando, Masbate, kahapon ng madaling araw sa nabanggit na bayan.
Batay sa ulat, dakong alas-2:30 nang mangyari ang insidente habang ang alkade at ang pamilya nito ay kasalukuyang mahimbing na natututulog sa loob ng kanilang bahay nang bigla na lamang magpa-ulan ng bala mula sa M-16 rifle ang mga suspek.
Kaagad namang nagresponde ang mga awtoridad subalit hindi na nila nagawang maabutan pa ang mga suspek.
Pulitika ang isa sa mga angulong tinitingnan ng mga awtoridad na isa sa mga pangunahing motibo ng nasabing insidente, habang kasalukuyan namang isinasagawa ang masusing imbestigasyon. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest