Mister dinedo dahil sa GRO
February 6, 2004 | 12:00am
NUEVA ECIJA Isang 40-anyos na mister ang iniulat na pinagtulungang saksakin ng mag-utol dahil sa pakikipag-agawang itaybol sa isang guest relation officer sa loob ng videoke bar sa Barangay Bagting, Gabaldon, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi. Napuruhan ang biktimang si Danilo Villanueva, samantalang isa sa dalawang suspek na ngayon ay nakapiit ay nakilalang si Perfecto Mendoza, 38, alyas Peping habang tinutugis naman si Orlando, alyas Boy. Lumalabas sa imbestigasyon na bago maganap ang krimen ay nagkainitan ang biktima at mga suspek dahil sa kapwa gustong itaybol ang GRO hanggang sa humantong sa pamamaslang. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest