2-katao dedo sa 3 sekyu

CAVITE – Dalawang lalaki ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin ng tatlong security guard dahil sa pagpupumilit na lumabas ng Tagaytay Royal Subdivision sa Barangay Buck Estate, Alfonso, Cavite kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Armando Astudillo at Fred Nartia, samantalang sumuko naman ang mga suspek na sina Edgardo Sesma, Alexander Barbas at Romeo Polintan na pawang guwardiya ng RS Nighthawk Security and Investigation Agency, Inc. Sa imbestigasyon ni SPO3 Jovencio Constancio, naitala ang insidente dakong alas-11 ng gabi makaraang magtalo ang magkabilang panig dahil sa tumangging palabasin ng mga suspek ang dalawa sa gate ng naturang subdivision. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments