Ambush:10 PAF sugatan
February 5, 2004 | 12:00am
KAMPO SIMEON OLA Sampung tauhan ng Philippine Air Force ang iniulat na nasugatan makaraang tambangan ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang ang mga biktima ay lulan ng trak mula sa ginawang eskuwelahan sa Sitio Lumintao, Barangay Paguilaman, Uson, Masbate kamakalawa ng hapon.
Ginagamot ngayon sa Masbate Provincial Hospital ang mga biktimang sina Sgt. Enrique Malorca, Sgt. M. Valerio, Airman 1st Class Dante Inacay, Airman 1st Class Michael Barbosa, Airman Melchor Villaver, Sgt. Eddie Mendoza, Airman 1st Class Augusto Francisco, Airman 1st Class Aris Quinto, Airman Herbert Raza at Efren Cortes, isang sibilyang empleyado.
Ang mga biktima ay pawang nakatalaga sa 355th Aviation Engineering Wings ng PAF sa pamumuno ni Capt. Cobar.
Base sa ulat na nakarating kay Major Jose Broso ng Phil. Army, dakong alas-5:30 ng hapon nang maganap ang pananambang habang ang mga biktima ay patungo sa Barangay Cabrera, Dimasalang.
Napag-alaman pa sa ulat na minamadali ng mga biktima ang pagtatayo ng eskuwelahan sa Barangay San Roque sa Aroroy; Brgy. Villa Gansa Vilage, Cawayan, Brgy. Sta. Cruz, Placer at Brgy. Cabrera, Uson sa Masbate.
Hindi naman nag-aksaya ng panahon ang mga rebelde at agad na tumakas upang maligtasan ang mga nagrespondeng tropa ng militar. (Ulat nina Ed Casulla at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest