^

Probinsiya

Mister patay, misis grabe sa taga ng tatlong katao

-
RODRIGUEZ, Rizal – Maagang kinalawit ni Kamatayan ang isang barangay tanod habang ang asawa nito ay malubhang nasugatan makaraang pagtulungang pagtatagain ng tatlong senglot sa Barangay Mascap Proper ng bayang ito kamakalawa ng gabi. Animoy kinatay na hayop ang mga biktimang sina Edison Manlapaz, 47, samantalang ginagamot naman sa Amang Rodriguez Hospital si Adoracion Manpalaz, 38-anyos na kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Tinutugis naman ang mga suspek na sina Edgar Mahinay, Elmer Mahinay at Emong Mahinay na pawang kapitbahay ng mag-asawa. Naitala ng pulisya ang krimen dakong alas-10:30 ng gabi matapos na sitahin ni Edison kasama ang asawa sa pinag-iinuman ng tatlo kaya naganap ang pamamaslang. (Ulat ni Edwin Balasa)

ADORACION MANPALAZ

AMANG RODRIGUEZ HOSPITAL

ANIMOY

BARANGAY MASCAP PROPER

EDGAR MAHINAY

EDISON MANLAPAZ

EDWIN BALASA

ELMER MAHINAY

EMONG MAHINAY

KAMATAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with