Wanted na ex-police nasakote

CAMP NAKAR, Lucena City – Isang dating pulis-Pasay na nagtago ng mahabang panahon dahil sa mga nakabinbing kasong murder pagnanakaw at carnapping sa Makati, Parañaque City at Cavite ang iniulat na nasakote makaraang makumpiskahan ng baril sa checkpoint na sakop ng Barangay Niing, San Antonio, Quezon kamakalawa ng hapon.

Ayon kay P/ Senior Supt. Leo Kison, Quezon PNP director, itinuturing na ika-1 most wanted si dating PO3 Dominador Pesigan Gonzales ng Barangay Bulihan San Antonio, Quezon. Ayon sa pulisya, si Pesigan ay kasapi ng Mariposa Gang na bumibiktima ng mga turistang Hapones. Nasakote nina P/Chief Insp. Ricardo Villanueva at Captain Rommel Abayon si Pesigan sakay ng minamanehong owner-type jeep na may plakang TEB-450. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments