Kinilala ang nailigtas na biktima na si Rolando Uy, 55 at driver nito na di natukoy ang pangalan.
Si Uy ay pinag-interesang dukutin dahil isa itong franchise owner ng Shell gasoline station sa Bacolod ng nasabing lalawigan.
Base sa ulat, naganap ang pagdukot sa mga biktima bandang alas-4 ng hapon matapos na harangin ng apat na armadong kalalakihan ang mini-dump truck ng dalawa habang bumabagtas sa Iligan City patungong bayan ng Bacolod.
Puwersahang kinaladkad ang dalawang biktima saka kinomander ang mini dump truck patungo sa Iligan City.
Ayon pa sa ulat, sa Sitio Isla Verde, Brgy. Kawit Occidental sa kanugnog na bayan ng Kauswagan ay bumaba sa mini dump truck ang mga suspek at tinangay ang mga biktima sa bulubunduking barangay sa nasabing lugar.
Nang mabatid ang insidente ay agad namang tinugis ng puwersa ng Charlie Company ng Armys 67th Infantry Battalion kasama ang squad ng CAFGU ang mga kidnapers.
Ditoy nagkaroon ng 15-minutong palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig hanggang sa abandonahin ang mga biktima ng mga kidnaper sa takot na masukol ng tropang gobyerno. (Ulat ni Joy Cantos)