Trike vs bus: 3 patay

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Tatlong sibilyan ang iniulat na nasawi samantalang isa naman ang malubhang nasugatan makaraang sumalpok ang sinasakyang traysikel ng mga biktima sa kasalubong na pampasaherong bus sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Bonfal Proper sa bayang ito.

Kabilang sa namatay ay sina Joseph Basa, Virgilio Aquino at Lavreano Badua Jr. na pawang residente ng Barangay Casat, Bayombong, Nueva Vizcaya. Malubhang nasugatan naman si Marvelito Balolong. Ayon kay P/Chief Insp. Teodoro Santos Jr., dakong alas-9 ng gabi nang mag-overtake ang trike sa sinusundang sasakyan hanggang sa makasalubong ang Nelbusco Bus Line (BVF 794). Agad namang sumuko ang drayber ng bus na si Alfrefo Mallavo ng Brgy. Lerizon, Gamu, Isabela. (Ulat ni Victor P. Martin)

Show comments