Emcee sa kasalan kinatay

MULANAY, Quezon – Nabahiran ng dugo ang masayang kasalan makaraang tadtarin ng saksak hanggang sa mapatay ang isang emcee ng nakainitang bisita kamakalawa ng hapon sa Barangay Cambuga sa bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Wilfredo Aquirre, 30, habang tinutugis naman ang suspek na si Diomedes Ramos, 40, kapwa residente ng nabanggit na barangay. Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Gil Belarmino, hiniling ng suspek sa biktima na patugtugin ang otso-otso para makapagsayaw pero tumanggi ito dahil sa nagsasayaw pa ang ikinasal. Dito nagalit ang suspek hanggang sa isagawa ng krimen dakong ala-1 ng hapon. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments