Ayon kay Lt. Col. Renoir Pascua, AFP-Southcom Spokesman, dakong alas-7:30 ng umaga nang makasagupa ng mga elemento ng Armys 72nd Infantry Battalion ang may 20 rebelde sa Sitio Tinago, Brgy. Mambing.
Ang sagupaan ay tumagal ng may 3 minuto bago nagsiatras ang mga rebelde.
Ang bangkay ng di pa nakilalang mga rebelde ay narekober sa pinangyarihan ng sagupaan.
Pinaniniwalaan namang ang mga rebeldeng nakasagupa ng tropang gobyerno ay naatasang magsagawa ng surveillance at pag-atake laban sa mga himpilan ng militar sa mga liblib na bahagi ng lalawigan.
Samantala sa lalawigan naman ng Masbate, isang kolektor ng permit to campaign fee ng mga rebeldeng NPA ang nahuli ng tropa ng militar sa isinagawang raid sa Poblacion Batuan sa isla ng Ticao kahapon bandang alas-6:30 ng umaga.
Kinilala ang NPA collector sa alyas lamang nitong Ka Ted na hindi na nakapalag sa mga elemento ng Armys 2nd Infantry Battalion (IB) sa pamumuno ni Lt. Col. Romeo Cabatic.
Nabatid na nagresponde sa lugar ang mga sundalo matapos na makatanggap ng impormasyon hinggil sa presensiya ni Ka Ted. Nasamsam mula sa mga rebelde ang apat na M16 rifles, isang carbine at mga bala. (Ulat nina Roel Pareño/Ed Casulla)