Brgy. chairman pinaslang
January 31, 2004 | 12:00am
KAMPO SIMEON OLA Isang 48-anyos na chairman ng barangay na kumakandidato sa pagka-kagawad ng munisipalidad ang niratrat hanggang sa masawi ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga kasapi ng New Peoples Army habang ang una ay nagsisimba, kamakalawa ng gabi sa Bao, Camarines Sur.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Romeo Bersa, barangay Chairman ng nabanggit na lugar.
Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9:45 habang nagsisimba ang biktima sa isang chapel sa nabanggit na lugar nang biglang pagbabarilin ito ng mga suspek.
Nabatid na ang biktima ay tumatakbo bilang isa sa mga municipal kagawad ng kanilang lugar sa ilalim ng Partido Lakas.
May hinala naman ang mga awtoridad na may bahid rin ng pulitika ang motibo sa pamamaslang sa biktima. (Ulat nina Ed Casulla at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended