5 preso nakapuga
January 30, 2004 | 12:00am
KORONADAL CITY Limang preso na pawang nahaharap sa mabibigat na kasong kriminal ang tumakas sa kanilang detention cell sa naganap na jailbreak dito, kamakalawa ng madaling araw.
Kinilala ang mga pugante na sina Arman Alamada, Romeo Baylosis, Marvin Cachuela at Rodel Beriales na pawang nahaharap sa kasong robbery at murder.
Sa ulat, dakong alas-2 nang maganap ang pagpuga ng mga nabanggit na preso sa detention cell ng Koronadal City Police Station, South Cotabato.
Lumilitaw sa imbestigasyon na nagawang makatakas ng nasabing mga preso sa pamamagitan ng paglalagare sa rehas na bakal ng kanilang selda.
Nabatid na sinamantala umano ng mga preso na makalingat ang mga jailguards at isinagawa ang pagtakas.
Pinaniniwalaan namang matagal ng isina-plano ng mga preso ang kanilang pagtakas lingid sa kaalaman ng pamunuan ng Korondal City Police.
Nadiskubre lamang ang pagtakas ng limang preso kinabukasan na ng umaga matapos magsagawa ng headcount ang mga jailguards sa mga preso.
Agad namang nagsagawa ng malawakang man-hunt operations ang Koronadal City Police laban sa mga nasabing pugante. (Ulat nina Joy Cantos at Boyet Jubelag)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 5, 2025 - 12:00am