Tribung Mangyan hinostage ng NPA
January 29, 2004 | 12:00am
Camp AguiNAldo Hinostage ng mga rebeldeng New Peoples Army ang daan-daang katutubong Mangyan at ginawang kalasag laban sa mga tumutugis na militar, kamakalawa sa Paluan, Mindoro Occidental.
Humalo sa isang komunidad ng katutubong Mangyan ang grupo ng NPA upang makalusot sa mga tumutugis na pwersa ng militar.
Ikinulong sa simbahan ng Katoliko ang mga Mangyan ng ilang oras at pinalaya lamang ng bigyang daan ng militar ang kanilang kahilingan na umatras ang operatiba at bigyang daan ang kanilang pagtakas.
Bunsod nito, hiniling ni AFP Chief of Staff Gen. Narciso Abaya sa human rights group na Karapatan na kumbinsihin ang mga Mangyan na lisanin ang nabanggit na lugar dahil nalalagay sa alanganin ang kanilang buhay. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended