Pulis, sibilyan grabe sa ambush
January 29, 2004 | 12:00am
Dalawa katao na kinabibilangan ng isang pulis ang nasa malubhang kalagayan makaraang paulanan ng bala ng isang grupo ng armadong kalalakihan sa naganap na pananambang, kamakalawa ng madaling araw sa Zamboanga City.
Ginagamot sa Ciudad de Zamboanga Medical Center ang mga biktima na sina PO1 Mujirin Juliet Hajan, nakatalaga sa 908th Police Mobile Group (PMG), Police Regional Office (PRO) ng Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) at ang sibilyang si Farouk India Alpad, pawang mga residente ng Newslane Road, Baliwasan, ng nabanggit na lungsod.
Isang man-hunt operation naman ang kasalukuyang isinasagawa ng awtoridad laban sa mga suspect na ang isa ay kinilala lamang sa alyas na "Ben" na mabilis na tumakas matapos ang isinagawang krimen.
Naganap ang pananambang dakong alas-2:30 sa kahabaan ng Nuñes Extension, Zamboanga City kung saan bago umano naganap ang insidente ay nakabangga ng mga biktima ang mga suspek na nooy nag-iinuman sa MGG Restaurant and Videoke Bar na matatagpuan sa kahabaan ng Gov. Camins Ave., ng naturang lungsod.
Minabuti na lamang ng mga biktima na umalis sa nasabing lugar upang makaiwas sa gulo.
Lingid sa kaalaman ng mga biktima ay sinundan sila ng mga suspek at bigla na lamang pinaulanan ng mga ito ang kanilang kinalululanang kotse na malubhang ikinasugat ng mga ito. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Artemio Dumlao | 46 minutes ago
By Cristina Timbang | 46 minutes ago
By Joy Cantos | 46 minutes ago
Recommended