Navarette tugis sa pagmartilyo sa lover
January 29, 2004 | 12:00am
Camp Crame Target ngayon ng man-hunt operation ng pulisya si dating World Boxing Champion Rolando Navarette makaraang martilyuhin nito sa ulo at gulpihin ang kanyang live-in partner matapos magselos ito sa huli, kamakalawa ng gabi sa General Santos City.
Kasalukuyan namang inoobserbahan sa St. Elizabeth Hospital ang biktima na kinilalang si Elizabeth Tamban matapos na magtamo ng malalalim na sugat sa ulo at sa ibat ibang parte ng katawan nito.
Nabatid na kasalukuyang nasa "state of shock" ang biktima dahil sa tinamong gulpi mula kay Navarette na tinaguriang "Bad Boy from Dadiangas" na sumikat sa larangan ng boksing noong dekada 80 dahil sa dami ng pinabagsak nito sa ring na ang karamihan ay mga banyaga.
Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa tahanan ni Navarette sa Block 1, Yellow Subd., Brgy. Bula. General Santos City dakong alas-11.
Naabutan umano ni Navarette ang biktima na masayang nakikipag-kwentuhan sa isa nilang tenant na lalaki na naging dahilan umano ng matinding panibugho nito.
Dahil dito ay agad na hinablot ni Navarette sa damit ang biktima at kinaladkad papasok sa loob ng kanilang bahay, pinalo ng martilyo sa ulo at pinagsusuntok pa nito.
Tumigil lamang umano si Navarette nang mapag-alaman nito na may tumawag sa pulisya at agad itong tumakas.
Magugunita na noong nakaraang linggo ay naging laman din ng balita si Navarette makaraang manggulpi at manakot ito ng ilang mga negosyante ng isda sa General Santos City International Fish Port kung saan dahil sa nasabing insidente ay pinagbawalan na itong pumasok sa nasabing fish port.(Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended