^

Probinsiya

300 sako ng smuggled na bigas,asukal nasamsam

-
CAMP AGUINALDO – Umaabot sa P250,000 ng smuggled na asukal at bigas ang nasamsam ng mga tauhan ng Phil. Army sa isinagawang ‘seaborne patrol’ sa katubigan ng Mariki, Zamboanga del Sur kamakalawa.

Ayon kay Army spokesman Lt. Col. Joselito Kakilala, dakong alas-9 ng gabi nang masabat ng Army’s 35th Special Forces Company (SFC) kasama ang mga tauhan ng CAFGU ang barkong M/V Alna sa karagatan ng Mariki.

Nang sitahin ng tropa ng militar ang mga tripulante ng barko ay walang maipakitang dokumento na legal ang pagbibiyahe nila ng kargamento.

Sinabi ni Kakilala na umaabot sa 300 sako ng asukal at bigas ang nasamsam na nagkakahalaga ng P250,000.

Ang mga nasamsam na smuggled goods ay pinaniniwalaang galing pa sa Malaysia. Dinala na sa Majini whart sa Southern Commnd sa Zamboanga City ang nakumpiskang smuggled goods para sa kaukulang disposisyon. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

DINALA

JOSELITO KAKILALA

JOY CANTOS

KAKILALA

MARIKI

SOUTHERN COMMND

SPECIAL FORCES COMPANY

V ALNA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with