Marino, pulis dedo sa hiwalay na aksidente
January 28, 2004 | 12:00am
Dalawa-katao ang kumpirmadong nasawi samantalang anim naman ang malubhang nasugatan sa naganap na magkahiwalay na aksidente sa Cavite at Nueva Ecija kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang mga namatay na biktimang sina Aaron Aranda, 23, marino, tubong Ilocos Sur ng Seamans Village, Barangay Piela, Dasmariñas, Cavite at SPO1 Nomeriano Reyes, 47, nakatalaga sa opisina ni Nueva Ecija Governor Tomas Joson.
Ginagamot naman sa Dela Salle Hospital sina Roel Plaza, Ricky Visda, Jervin Baldeleon, Pee Jay Serrano, Glennson Cabujeta at Jayson Castro.
Base sa ulat ng pulisya, si Aranda ay naipit sa loob ng kotse (PKZ-470) matapos na sumalpok sa kanang bahagi ng trailer truck (UKN-446) na minamaneho ni Melchor Ramirez.
Napag-alaman pa sa imbestigasyon na unti-unting pumapasok ang trak sa compound ng Polytex Laiwel, Inc. sa kahabaan ng Gov. Drive sa Barangay Manggahan, General Trias, Cavite nang hindi napansin ni Aranda kaya naganap ang sakuna.
Binawian naman ng buhay si SPO1 Reyes matapos na sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa tumatawid na kalabaw sa kahabaan ng provincial road na sakop ng Brgy. Homestead II, Talavera, Nueva Ecija. (Ulat nina Cristina G. Timbang at Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended