^

Probinsiya

2 patay sa kontaminadong tubig

-
BUENAVISTA, Agusan del Norte – Dalawang sibilyan ang iniulat na nasawi habang dalawampu naman ang naospital makaraang makainom ng kontaminadong tubig sa Sitio Kahayagan, Barangay Malpoc, Buenavista, Agusan del Norte noong nakalipas na linggo.

Pansamantalang hindi binanggit ang pangalang ng dalawang biktimang nasawi sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Kabilang sa naapektuhan ng kontaminadong tubig ay ang pamilya Cabag, Zaragosa, Dela Paz, Labanderos at Besa na pawang residente ng nabanggit na sitio.

Inireklamo ng mga residenteng apektado ng kontaminadong tubig ay ang pananakit ng kanilang tiyan kasabay ng pagsusuka dahil sa pag-inom ng tubig mula sa jetmatic.

May suspetsa ang mga residente na ang katas ng punong Yemani na pinutol ay tumagas patungo sa lugar na kinatitirikan ng jetmatic pumps.

Pinaiimbestigahan naman ng pamunuan ng pangkalusugan ang pagkakalason ng mga residente na ikinasawi ng dalawa at 20 naman ang naospital dahil sa pananakit ng tiyan. (Ulat ni Ben Serrano)

vuukle comment

AGUSAN

BARANGAY MALPOC

BEN SERRANO

BUENAVISTA

CABAG

DALAWANG

DELA PAZ

INIREKLAMO

NORTE

SITIO KAHAYAGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with