Smart cell site sinabotahe ng NPA
January 27, 2004 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Sinabotahe ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang cell site ng Smart sa panibagong insidente ng karahasan sa Sipocot, Camarines Sur, ayon sa ulat kahapon.
Ayon kay AFP-Public Information Office (AFP-PIO) Chief Lt. Col. Daniel Lucero, bandang alas-8 ng gabi nang isabotahe ng mga rebelde ang cell site ng Smart Telecommunications sa bisinidad ng Brgy. Villazar, Sipocot, ng nabanggit na lalawigan.
Base sa imbestigasyon, nagawang pasukin ng mga rebelde ang compound ng Smart sa pamamagitan ng pagwasak sa padlock ng unahang pintuan nito.
Kabilang sa winasak ay ang mga kagamitang pangkomunikasyon matapos putulin ang koneksyon ng main switch ng cell site.
Hindi naman nasaktan ang tatlong guwardiya na nagbabantay sa nasabing cell site dahil nasa labas ang mga ito nang maganap ang pananabotahe.
Pinaniniwalaan namang ang insidente ay may kinalaman sa pangingikil ng revolutionary tax ng mga rebelde sa pangasiwaan ng nasabing kompanya.(Ulat nina Joy Cantos at Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
3 hours ago
Recommended