Mga opisyal ng BoC sa Batangas Port masisibak dahil sa puslit na P50-M manok
January 26, 2004 | 12:00am
BATANGAS CITY Nalalagay ngayon sa balag ng alanganing masibak sa puwesto ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BoC) sa Batangas Port makaraang makapuslit noong Biyernes ang P50-milyong manok na pinaniniwalaang kontaminado ng birds flu virus mula sa Taiwan.
Ipinag-utos na ni Bureau of Customs Commissioner Antonio Bernardo ang malawakang imbestigasyon laban sa mga opisyal ng BoC na nakatalaga sa Batangas Port dahil sa pagkakapuslit ng 14 na 40-footer refrigerated vans na naglalaman ng P50-manok mula sa Kaoshiung, Taiwan.
Ayon sa ulat dumating sa bansa ang 19 na container vans na may lulang mga manok mula sa Taiwan at dahil sa pangambang kontaminado ng birds flu virus ay nagpalabas hold-order ang opisina ng National Meat Inspection Commission (NMIC) at Department of Agriculture.
Kasunod na ito, narekober naman ng mga tauhan ng Department of Agricultures Anti-smuggling Task Force ang apat na container vans sa Diversion road na sakop ng Barangay Balagtas noong Biyernes habang isa naman van ay nasabat ng Batangas PNP sa checkpoint sa Barangay Anastacia, Sto, Tomas, Batangas noong Sabado.
Nangangamba naman si Efren Nuestro, NMIC na ang nalalabi pang 14 na van na naglalaman ng mga kontaminadong manok mula sa Taiwan ay makarating sa mga pamilihang bayan at maapektuhan ang taumbayan.
Nanawagan naman si Nuestro sa publiko na iwasang bumili ng imported na manok dahil sa mahigpit na kautusan ng gobyerno na nakapasok sa bansa ang mga manok mula sa Taiwan, Japan, South Korea, Vietnam at Thailand na apektado ng birds flu virus. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest