Ex-vice mayor patay sa ambush
January 25, 2004 | 12:00am
Camp Crame Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang dating bise alkalde ng hindi pa nakilalang mga armadong lalaki sa naganap na pananambang sa Salvador, Lanao del Norte nitong Biyernes ng hapon.
Kinilala ni Lanao del Norte Police Director P/Supt. Laut Sarip ang biktima na si Makil Tawan-Tawan, dating bise alkalde sa bayan ng Salvador at tiyuhin ni incumbent Salvador Mayor Johnny Tawan-Tawan.
Base sa imbestigasyon ang biktima ay kasalukuyang naghihintay ng masasakyan sa harapan ng Metrogold Store sa kahabaan ng highway ng Brgy. Mananding Lala nang biglang sumulpot ang dalawang salarin.
Armado ng malalakas na kalibre ng armas ay bigla na lamang ng mga itong pinagbabaril ang biktima kung saan hindi na ito nagawa pang maisugod sa pagamutan.
Kabilang naman sa anggulong sinisiyasat ng mga awtoridad ay ang alitan sa pamilya sa motibo ng krimen.
Patuloy naman ang imbestigasyon sa kaso habang naglunsad na rin ng hot pursuit operations laban sa mga suspek. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am