^

Probinsiya

Pulis tigok sa pakikipaglaro ng baril-barilan sa anak

-
Camp Crame – Trahedya ang kinahinatnan ng pakikipaglaro ng isang opisyal ng pulisya ng baril-barilan sa kaniyang anak na batang lalaki matapos na aksidente nitong makalabit ang gatilyo ng kanyang baril na siyang tumapos sa kaniyang buhay sa Sto. Niño, South Cotabato kamakalawa.

Dead-on-the-spot sa isang tama ng bala sa sentido ang biktimang kinilalang si SPO2 Edwin Pagdatu, 45-anyos, Station Commander ng Police Kababayan Center na nakabase sa Sto. Niño ng nasabing lalawigan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakikipaglaro ang biktima sa kaniyang anak ng baril-barilan gamit ang service firearm nito na lingid sa kaalaman ng biktima ay may natitira pang isang bala.

Itinutok umano ng biktima sa kaniyang sentido ang baril at saka kinalabit kung saan isang malakas na putok ang narinig sa lugar na siyang kumitil sa buhay nito.

Nabatid pa na nasa impluwensiya ng alak ang biktima nang itutok nito ang kaniyang 9mm pistol sa kanang sentido. Patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya ang kaso. (Ulat ni Angie de la Cruz)

ANGIE

CAMP CRAME

CRUZ

EDWIN PAGDATU

ITINUTOK

NABATID

POLICE KABABAYAN CENTER

SOUTH COTABATO

STATION COMMANDER

STO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with