8th most wanted kidnapper nalambat
January 25, 2004 | 12:00am
Camp Crame Nadakip ng mga awtoridad ang itinuturing na ika-8 most wanted kidnapper sa talaan ng National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTAF) na may P.5M reward matapos masukol sa kanyang safehouse sa liblib na bahagi ng Gandara, Samar kahapon ng umaga.
Kinilala ni P/Chief Supt. Dionisio Coloma Jr., Eastern Visayas Police Director ang nahuling suspek na si Reynaldo Cacho ng 69 Ipil St., Baltazar, Caloocan City.
Ayon kay Coloma si Cacho ay aktibong kasapi ng Estrada kidnap-for-ransom (KFR) gang na nakabase sa Metro Manila.
Sinabi ni Coloma na si Cacho ay nadakip dakong alas-6 ng umaga matapos silang makatanggap ng impormasyon sa isang tipster ng pulisya sa pagtatago ng suspek sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Sta. Elena sa bayan ng Gandara.
Matapos ang tatlong oras na paglalakbay ay natunton ng mga awtoridad ang hideout ng suspek.
"Pinaligiran ng ating police operatives yung hideout niya kaya napilitan siyang sumuko," pahayag ni Coloma sa panayam.
Nabatid na ang suspek ay nakatakdang dalhin sa PNP Regional Headquarters sa Tacloban City at mula ritoy ibibiyahe naman ito patungong Maynila sa darating na Lunes.
Kasalukuyan pang sumasailalim sa masusing tactical interrogation ng mga awtoridad ang nahuling suspek. Nagpapatuloy naman ang pinalakas na anti-kidnapping operations ng pulisya laban sa nalalabi pang miyembro ng KFR gang sa bansa. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended