^

Probinsiya

Dalaga ni-rape,pinatay ng nobyo

-
Camp Crame – Dahilan sa matinding selos, hinalay muna bago pinaslang ang isang 19-anyos na dalaga ng sarili nitong nobyo sa isang beach resort sa Davao City kamakalawa.

Nakilala ang biktima na si Gina Ante ng Ma-a, Davao City na agad namatay bunsod ng tinamong 11 tama ng saksak sa leeg at dibdib.

Agad namang nasakote sa follow-up operations ang suspek na kinilalang si Christopher Cabalhin, 23-anyos, tubong Trento, Agusan del Sur at nagtatrabaho sa Times Beach sa Matina, Davao City.

Sa report, naitala ang krimen dakong alas -3:35 ng madaling-araw nang makipagkita ang biktima sa kaniyang nobyo sa nabanggit na beach resort.

Nagsasagawa umano ng pagpapatrulya ang ilang volunteer group at brgy. tanod sa nasabing lugar nang makita nila ang suspek na nakapatong pa sa hubad at duguang katawan ng biktima.

Bunsod nito’y nagtatakbo patakas ang suspek pero makalipas ang ilang minutong habulan ay nasukol rin ng mga barangay tanod at agad itinurn-over sa kustodya ng pulisya.

Lumilitaw sa imbestigasyon na palaging inaaway ng suspek ang biktima dahilan sa seloso umano ito. Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal ang suspek habang inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban dito. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

AGUSAN

ANGIE

BUNSOD

CAMP CRAME

CHRISTOPHER CABALHIN

CRUZ

DAHILAN

DAVAO CITY

GINA ANTE

TIMES BEACH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with