7 Abu patay sa CVO's
January 24, 2004 | 12:00am
Camp Crame Pito pang miyembro ng Abu Sayyaf splinter groups ang napaslang matapos makasagupa ang isang grupo ng mga Civilian Volunteers Organization (CVO) nang matiyempuhan ang mga itong armadong nagtatago sa North Upi, Maguindanao kamakalawa ng umaga.
Kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan sa mga napaslang na bandido na pinamumunuan ni Ustadz Binago, lider ng may 20 Abu Sayyaf splinter groups sa ilalim ng pamumuno ni Commander Tiger.
Una rito, apat na bandido mula sa nagsanib na puwersa ng grupo ni ASG Chieftain Khadaffy Janjalani at Abu Sufia kidnap-for-ransom (KFR) gang ang nasawi habang pito pa ang nasugatan matapos makasagupa ang mga elemento ng Armys 6th Infantry Division (ID) sa bahagi ng Brgy. Laguitan, North Upi, Maguindanao dakong alas-9 ng gabi kamakailan.
Base sa ulat, bandang alas-10 naman ng umaga kinabukasan ng makasagupa ng mga CVOs ang grupo ni Binago sa nasabi ring barangay na ikinasawi ng pito pa sa mga ito.
Nabatid na may planong magtayo ng kampo ang nasabing bandidong grupo sa North Upi matapos na tumakas sa Palimbang, Sultan Kudarat dahilan sa pinalakas na operasyon ng militar laban sa mga ito. Patuloy naman ang isinasagawang pursuit operations ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya sa grupo ng mga bandido. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest