Intelligence officer tinepok ng sindikato
January 23, 2004 | 12:00am
Camp Miguel Malvar, Batangas City Pinagbabaril hanggang sa mapaslang ng mga pinaghihinalaang miyembro ng isang notoryus na drug syndicate ang isang intelligence officer ng pulisya na ikinasugat rin ng kasama nitong babae kamakalawa ng gabi sa bayan ng Lemery.
Kinilala ni P/Supt. Rodolfo Magtibay, Batangas Police Director ang nasawi na si SPO2 Artemio Oliva, 45 anyos, intelligence officer ng Lemery Police Station at ang nasugatan ay nakilala namang sa pangalang Loida.
Ayon sa ulat, dakong alas-6:45 ng gabi habang ang dalawa ay lulan ng isang L-200 pick-up na kasalukuyang bumabagtas sa Brgy. Palanan sa bayan ng Lemery ng harangin at paulanan ng bala ng apat na armadong kalalakihan.
Si Oliva ay dead on the spot sa insidente habang si Loida ay mabilis namang isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.
Malakas ang teorya ng mga awtoridad na ang grupo ng mga drug syndicates na nakabangga ng nasabing pulis ang nasa likod ng krimen. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended