4 bandido, 7 pa sugatan sa sagupaan
January 23, 2004 | 12:00am
Camp Aguinaldo Apat ang napatay at pito pa ang nasugatan matapos makasagupa ng tropa ng militar ang nagsanib na puwersa ng grupo ng tila may sa palos na si Abu Sayyaf Chieftain Khadaffy Janjalani at ng Abu Sufia kidnap-for-ransom (KFR) gang sa baybaying bayan ng North Upi, Maguindanao kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Major Onting Alon, Acting Spokesman ng Armys 6th Infantry Division (ID), dakong alas-9 ng gabi ng matagumpay na maharang ng kanilang mga tauhan ang pagdaong sa North Upi ng mga bandidong grupo.
Nabatid na may 70 armadong puwersa nina Janjalani at ng Abu Sufia KFR gang ang nakaengkuwentro ng militar sa Brgy. Laguitan, North Upi, Maguindanao.
Kasabay nito, kinumpirma ni Armed Forces of the Phil. Public Information Office (AFP-PIO) Chief Lt. Col. Daniel Lucero na ang Abu Sufia KFR gang ang nagkakanlong sa grupo ni Janjalani simula ng tumakas ang mga ito sa Sulu at dumaong sa bahagi ng Central Mindanao noong Hulyo 6, 2003 ng nakaraang taon.
Base sa report ng mga sundalong nagsagawa ng operasyon si Janjalani na namataan sa lugar ng engkuwentro ang namuno sa mga armadong grupo na nakasagupa ng militar .
Si Janjalani ay nangunguna sa mga top leaders ng ASG na may patong sa ulong P 5 M maliban pa sa $ 5 M reward mula naman sa pamahalaan ng Estados Unidos kaugnay ng pagkakasangkot sa pagbihag sa 20 katao kabilang na ang mag-asawang Amerikanong misyonaryo na sina Martin at Gracia Burnham sa Dos Palmas Beach Resort sa Puerto Princesa City, Palawan noong Mayo 27, 2001.
Kaugnay nito, tiwala naman si Lucero na susunod ng mabibitag si Janjalani ngayong natukoy na nila ang kinaroroonan ng nasabing wanted na lider ng mga bandidong grupo. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended