Manager ng lending firm,kinidnap
January 22, 2004 | 12:00am
Dinukot ng limang di pa nakilalang mga armadong kalalakihan na hinihinalang mga rebeldeng Muslim ang isang mayamang negosyante habang nagjo-jogging sa pook pasyalan ng lungsod na ito kahapon ng umaga.
Kinilala ni AFP-PIO Chief Lt. Col. Daniel Lucero ang biktimang si Rainer William Jones Clemente, 48 anyos, Manager ng isang lending firm ay kinidnap ng mga armadong kalalakihan sa Pasonanca Park may limang kilometro ang layo sa komersiyal na distrito ng Zamboanga City dakong alas-5 ng umaga.
Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng mga awtoridad kung mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) o mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nasa likod ng pagdukot sa biktima.
Ayon sa salaysay ni Bong Clemente, konsehal ng barangay, nakababatang kapatid ng biktima nagtungo si Rainer sa Pasonanca Park para mag-jogging ng tutukan ng baril at puwersahang kaladkarin ng mga kidnapers pasakay sa isang kulay puting Toyota Revo na di nakuha ang plaka.
" Wala kaming kaaway sa lungsod na ito para gumawa ng masama sa kapatid ko. Malinaw na kidnapping ang motibo ng pagdukot sa kanya", pahayag ni Clemente sa panayam.
Kaugnay nito, umapela naman si Bong sa mga kidnapers ng kapatid na palayain na ito dahilan kalalabas lamang nito ng hospital matapos na sumailalim sa operasyon sa sakit sa bato.
Wala pa rin umanong natatanggap na ransom demand ang kanilang pamilya mula sa mga kidnapers. Naglunsad na ng search and rescue operations ang pinagsanib na elemento ng pulisya at militar upang iligtas ang biktima.(Ulat nina Roel Pareño at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended