Pulis tinodas ng kabaro
January 19, 2004 | 12:00am
URDANETA CITY Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 40-anyos na pulis ng kanyang kabaro habang isa naman ang nasa kritikal na kondisyon sa naganap na shootout sa loob ng palengke sa lungsod na ito kamakalawa ng umaga.
Kinilala ang namatay na pulis na si SPO1 Oscar Evaristo na nakatalaga sa intelligence and drug enforcement unit ng Urdaneta City police station.
Samantalang ang mag-utol na suspek ay nakilalang sina PO2 James Lu at PO1 Nixon Lu na kapwa residente ng Barangay Paurido, Urdaneta City.
Si James ay inoobserbahan sa Sacred Heart Hospital dahil sa tama ng bala ng baril ni Evaristo habang tinutugis naman si Nixon na nakapatay sa biktima.
Sinabi ni Supt. Manuel Obrero, hepe ng pulisya sa nasabing lungsod, kasalukuyang naglalakad si James sa loob ng palengke nang sundan ni Evaristo.
Dahil sa hindi kilalang pulis si James ay kinuwestiyon ni Evaristo hanggang magkainitan at magkabunutan ng baril.
Sumablay naman ng putok si James kaya siya naman ang pinaputukan ni Evaristo sabay na dinisarmahan ito pero lingid sa kanya ay nakasunod si Nixon sa likuran.
Dito na hinataw ng baril sa ulo si Evaristo at sunud-sunod na pinutukan ng baril hanggang sa mapatay.
May palagay si Obrero na hindi magkakakilala ang tatlo dahil si James ay nakatalaga sa Special Action Force (SAF) sa Maynila at security escort ni dating P/Gen. Diony Ventura.
Si Nixon naman ay nakatalaga sa Crime Laboratory Office sa national headquarters at lumalabas sa imbestigasyon na malapit na magkakamag-anak ang tatlong pulis na pawang nakasibilyan ang suot nang maganap ang insidente. (Ulat ni Eva Viperas)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended