4 holdaper nilabanan, 1 patay
January 18, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Dead-on-arrival sa pagamutan ang isang holdaper matapos na mabaril nang pumalag ang isang martial arts expert sa bigong panghoholdap na ikinasugat din ng isang empleyado sa naganap na insidente sa Bacolod City, kamakalawa.
Kinilala ang nasawing suspek na si Leonilo Soletorio, nasa hustong gulang, nagtamo ng isang tama ng bala sa dibdib at hindi na umabot pa ng buhay sa Corazon Locsin-Montelibano Memorial Regional Hospital sa lungsod.
Nakilala naman ang hinoldap na biktima na si Ryan Baquillos, asst. manager ng ABC Lending Investors na matatagpuan sa panulukan ng Luzuriaga at Lacson St., Bacolod City.
Ang nasugatang empleyado ni Baquillos na kasalukuyan pang nilalapatan ng lunas sa Riverside Medical Center ng lungsod ay nakilala namang si Dennis Garcia, 27, binata, na nagtamo ng mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Base sa report, bandang alas-10:10 ng umaga nang pasukin ng mga suspek ang nasabing kompanya kung saan ay agad na tinutukan ng baril si Baquillos ng apat na holdaper sabay deklara ng holdap.
Gayunman, dahil may kaunting nalalaman sa martial arts ay nanlaban si Baquillos at kanyang naagaw ang baril at binaril si Soletorio habang nasugatan naman ang isa nitong empleyado nang magpaputok ang isa pa sa mga suspek habang papatakas dahil sa nilikhang komosyon.
Mabilis na nagsitakas sa lugar ang tatlong nag-panic na holdaper dahil hindi nito sukat akalain na lalaban ang kanilang tinarget.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang .45 caliber colt pistol, 14 na basyo ng cal. 45; isang cal. 22 Pietro Beretta pistol, isang basyo ng bala ng cal. 22; isang Citizen wrist watch, isang clutch bag na may tsekeng P13,000 at P11,000 cash.
Isinailalim naman sa kustodya ng Bacolod City Police si Baquillos habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended