Barbero kinatay ng sekyu

CAVITE – Animo’y kinatay na hayop ang katawan ng isang 31-anyos na barbero ng nakaalitang security guard sa Barangay Poblacion I, Tanza, Cavite kamakalawa. Binawian ng buhay sa Del Rosario Hospital ang biktimang si Armando Dajae ng Barangay Longos, samantalang nadakip naman ang suspek na si Wilfredo Cavalon, 30 ng Escalante, Negros Occidental.

Napag-alaman sa ulat ni P03 Celino Javier na naglalakad ang biktima nang mamataan nito ang suspek na may hawak na itak kaya napilitang umatras na patakbo subalit hinabol siya hanggang sa abutan at pagtatagain sa iba’t ibang bahagi ng katawan. May teorya ang pulisya na may matinding galit ang suspek sa biktima kaya naganap ang krimen. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments