Sundalo tinodas sa bus

TAGKAWAYAN, Quezon – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 28-anyos na sundalo ng Phil. Army ng kapatid ng kanyang live-in partner habang ang biktima ay nakaupo sa nakaparadang pampasaherong bus sa gasolihang sakop ng Barangay Sta. Cecilia ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Walang buhay na iniwan ang biktimang si Cpl. Johnny Morales Valiente ng 68th Infantry Battalion na nakabase sa Victoria, Oriental Mindoro. Tinutugis naman ang suspek na si Oscar Ganibo ng Barangay Magsaysay, Tagkawayan, Quezon. Ayon kay SPO1 Wilfredo Castillo, matindi ang galit ng suspek sa biktima dahil sa tutol sa relasyon ng kapatid na babae sa sundalo. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments