1 pang suspek sa kidnapping tiklo

CAMP CRAME – Bumagsak sa bitag ng pulisya ang ika-8 suspek sa brutal na pagdukot at pagpatay kay Betti Chua Sy noong Nobyembre 18, 2003 makaraang salakayin ang pinagkukutaan ng una sa Barangay Macanit, Jaro, Leyte kamakalawa. Ayon kay P/Chief Supt. Dionisio Coloma, ang suspek na si Raul Artoza, 29 ay nalambat matapos na ituro ng kanyang utol na si Franco.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na pitong suspek na sangkot sa pagdukot kay Betti Chua Sy ay nasa custody na ng National Anti-Kidnapping Task Force. Kabilang sa mga suspek na naghihimas ng rehas na bakal ay sina Ramon Dimul, Ernesto Palla, Allan Niegas, Lucencio Saliente, Fernando Niegos at Leo Garrido na pawang kasapi ng Waray-Waray Gang. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments