Jeep vs trak: 13 katao grabe
January 17, 2004 | 12:00am
BINANGONAN, Rizal Labintatlong sibilyan ang kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon makaraang magsalpukan ang pampasaherong dyip at trak sa highway na sakop ng Barangay Tayuman sa bayang ito kamakalawa ng hapon.
Base sa ulat ng pulisya, sumabog ang kaliwang gulong ng trak (NBM-907) sa kahabaan ng highway na sakop ng nabanggit na barangay kaya nawalan ng kontrol ang drayber na si Arturo Medina ng Brgy. Macamot hanggang sa sumalpok sa kasalubong na pampasaherong dyip (NJJ 155).
Kabilang sa mga biktimang inoobserbahan sa Agono District Hospital ay sina Mario delo Santos, Allan Santiago, John Bernard Pullantes, Annabelle Roxas, Medonia Salido, Amador Cerrero, Marilyn Aneo, Grace Bonifacio, Silvestre Bagarino, Joyce Ann Lumberio, Isabel Lucanias, Lolita Talavera at John Talavera. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended