Pulis tinodas ng adik
January 16, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Isang bagitong pulis ang nasawi matapos na pagbabarilin ng isang pinaniniwalaang kasamahan sa sindikato ng droga nang aarestuhin nitong notoryus na drug pusher sa Biñan, Laguna kamakalawa.
Binawian ng buhay habang ginagamot sa Perpertual Help Medical Center ang biktimang si PO1 Arnold Quiozon, kasapi ng Biñan Municipal police station.
Base sa ulat, bandang alas-6:45 ng umaga habang isinisilbi ang search warrant na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 24 ng Biñan si Quiozon laban kay Larry Mercado, isang kilalang notoryus na drug pusher ng maganap ang insidente sa Sitio Wawa, Brgy. Malaban, Biñan ng nasabing lalawigan.
Habang isinisilbi ng raiding team ang search warrant laban kay Mercado ay bigla na lamang umanong pinaputukan ng isa sa mga kasamahan ng suspek ang biktima na nasapul ng tama sa dibdib.
Ang biktima ay mabilis na isinugod sa pagamutan ng mga kasamahan nitong pulis subalit binawian ng buhay dakong alas-9:30 ng umaga.
Bunga ng insidente ay di natuloy ang pagdakip sa suspek na ngayoy patuloy pa ring tinutugis ng mga awtoridad.
Nabatid pa na sinamantala ng suspek ang pagkakagulo ng raiding team sa sinapit ni Mercado kaya sinamantala nito ang pakakataon para makatakas. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended