2 opisyal ng barangay itinumba
January 14, 2004 | 12:00am
Pinaniniwalaang may kaugnayan sa politika ang pagkamatay ng dalawang opisyal ng barangay makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki habang ang mga biktima ay nag-uusap sa Barangay Balibago, Rosario, Batangas.Idineklarang patay sa Sto. Rosario Hospital si Barangay Chairman Benedicto Guerra, 48 at Bartolome de Castro, 47, samantalang sugatan naman si Rafael Alday, 46 na pawang residente ng nabanggit na barangay. Tinutugis naman ang suspek na si Teodulfo Cuerpo matapos na isagawa ang krimen dakong alas-5:30 ng hapon kamakalawa. Sinisilip din ng mga imbestigador ang motibong may matinding galit ang suspek sa dalawa. (Ulat ni Ed Amoroso)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended