Gusali ng negosyante,pinasabog

NUEVA ECIJA – Pinasabog ang gusali na pag-aari ng kilalang negosyante sa Nueva Ecija makaraang taniman ng bomba ng mga hindi kilalang kalalakihan na nagresulta sa pagkawasak ng lahat ng salamin at nadamay pa ang dalawang opisina sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Hermogenes, Concepcion, Cabanatuan City noong Sabado ng gabi. Base sa ulat ng pulisya, bandang alas-11: 30 ng gabi ng yanigin ng malakas na pagsabog ang gusali ng Royce Motors na pag-aari ni Antonio Chua. Nadamay sa pagsabog ang dalawang kompanya ng insurance pero wala naman iniulat na nasawi o nasugatan sa naganap na pambobomba. Sinisilip ng pulisya ang anggulong responsable ang NPA rebels at may kaugnayan sa pagkandidato ng anak ni Chua bilang konsehal. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments