DAR opisyal tiklo sa shabu
January 12, 2004 | 12:00am
BULACAN Dinakip ng mga awtoridad ang isang 41-anyos na lalaki na nagpakilalang sheriff ng Department of Agrarian Reform (DAR) makaraang maaktuhang nagbebenta ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Cofradia, Malolos City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Nakumpiskahan ng apat na plastic sachet na naglalaman ng 0.222 gramo ng shabu ang suspek na si Virgilio Pobles ng Purok 2 ng nasabing lugar. Napag-alaman sa ulat ng pulisya na positibong nagbebenta ng droga ang suspek kaya pinainan para matapos na ang pagpapakalat ng bawal na gamot. (Ulat ni Efren Alcantara)
KAMPO SIMEON OLA Walong bayan sa Masbate ang masusing minamatyagan ngayon ng kapulisan makaraang maitala bilang hot spot sa darating na halalan sa Mayo 10, 2004. Kabilang sa pinaniniwalaang magiging magulo sa eleksyon ay ang Baleno, Claveria, San Pascual, San Fernando, Monreal, Aroroy, Milagros at Cawayan. Magsasagawa na rin ng patuloy na pagmamatyag sa lahat ng kulungan dahil sa posibleng gamitin ng mga tiwaling politiko ang preso sa pananakot ng mga botante. Humingi na ng tulong si P/Sr. Supt. Romeo Mapalo sa pamunuan ng PNP at militar para sa karagdagang puwersa upang hadlangan ang anumang magaganap na karahasan. (Ulat ni Ed Casulla)
CAMP AGUINALDO Pinaniniwalaang aktibong kampanya laban sa ipinapataw na permit to campaign fees ang naging dahilan para pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang 41-anyos na barangay konsehal ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa Sitio Binugsayan, Napnapan, Pantukan, Compostella Valley. Ang biktimang si Jimmy Tobias ay inupakan habang naglalakad sa nabanggit na barangay dakong alas-8:30 ng gabi. (Ulat ni Joy Cantos)
CAVITE Isang 20-anyos na lalaki ang pinatay saka sinunog ng pitong kalalakihan sa Barangay Litlit, Silang, Cavite noong Enero 2, 2004. Ang sunog na bangkay ng biktimang si Eduardo Diaz ng Brgy. Batas, Silang, Cavite ay natagpuan bandang alas-10 ng umaga kahapon matapos na itinuro ng kaibigang nakasaksi sa krimen. Tinutugis naman ang mga suspek na sina Dioven Dionisio, Jon Jon Malabanan, Jimmy Malabanan, Zosimo Amparo, Midel Dionisio, Jojo Medina at isang nakilala sa alyas na Benny. May teorya ang pulisya na nakulitan ang mga suspek sa kalasingan ng biktima kaya pinagtulungan gulpihin bago sinunog ng buhay at ibinaon. (Ulat ni Cristina G. Timbang)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am