^

Probinsiya

Huey chopper bumagsak: 4 sugatan

-
Camp Aguinaldo – Apat na kasapi ng Phil. Air Force (PAF) kabilang ang dalawang piloto ang masuwerteng nakaligtas sa kalawit ni Kamatayan matapos na aksidenteng bumagsak ang sinasakyan ng mga itong helicopter sa South Reclamation Project (SRP) sa Cebu City kamakalawa ng hapon.

Ang mga nakaligtas bagaman nagtamo ng bahagyang sugat at mga galos sa katawan ay sina Captain Jovan Morada, instructor pilot; 1st Lt. Aquino, student pilot at dalawang crew members na sina Staff Sgts. Demata at de Guzman.

Ayon kay Major Restituto Padilla, Spokesman ng Phil. Air Force (PAF), kasalukuyang nagsasagawa ng ‘training mission’ ang kanilang UH-IH Huey helicopter na nakabase sa Cebu ng maganap ang sakuna dakong alas-4 ng hapon.

Sinabi ni Padilla na bagaman napinsala sa pagbagsak ang kanilang ‘aircraft’ ay ligtas naman sa kapahamakan ang apat na lulan nito.

Ayon kay Padilla, kasalukuyang nagsasagawa ng ‘advance emergency procedures training’ ang naturang helicopter nang bigla itong magloko sa himpapawid hanggang sa hindi na makontrol ng piloto at tuluyang bumulusok pababa sa isang bakanteng lote sa reclamation area.

Sinabi ni Padilla na bago tuluyang bumagsak ang helicopter ay nagawa pang isara ni Morada ang makina nito para mapigilang sumabog at lumikha ng sunog sa pagsayad sa lupa. Mabilis namang nakalabas sa helicopter ang apat na lulan nito na sinaklolohan ng rescue team habang patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng pagbagsak ng naturang aircraft. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AIR FORCE

AYON

CAMP AGUINALDO

CAPTAIN JOVAN MORADA

CEBU CITY

JOY CANTOS

MAJOR RESTITUTO PADILLA

PADILLA

SINABI

SOUTH RECLAMATION PROJECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with