Ikakasal na american nat'l di umabot sa altar
January 10, 2004 | 12:00am
Camp Crame Sa halip na sa altar, kabaong ang kinasadlakan ng isang 50 anyos na American national na nagtungo lamang sa Pilipinas para magpakasal sa kaniyang Filipinang nobya matapos itong isugod sa pagamutan sa Cebu City, ayon sa ulat kahapon.
Dead on arrival sa Cebu Doctors Hospital ang biktimang kinilalang si Cleveland Alexander Byron, tubong California, U.S.A, may passport number 055026370 at pansamantalang nanunuluyan sa 8-2 White Hills Subdivision, Sitio Banawa, Brgy. Guadalupe ng lungsod na ito.
Base sa ulat, bandang alas-7:10 ng umaga nang isugod sa pagamutan si Byron ng mga nagrespondeng tauhan ng Emergency Rescue Unit Foundation sa kahilingan na rin ng fiancee nito na si Benilda Buenafe pero huli na ang lahat.
Lumilitaw sa imbestigasyon na ang biktima ay dumating sa bansa nitong nakalipas na Disyembre 16 para pakasalan si Buenafe at ang kasal ay itinakda nitong Enero 8 subalit sa halip na magmartsa sa simbahan ay sa pagamutan ito isinugod. Nabatid na simula ng dumating ang biktima sa bansa ay palagi na itong nagpapa-check-up sa Perpetual Soccour Hospital sa lungsod dahilan sa idinadaing na pananakit ng likod.
Wala namang nakitang foul play ang mga awtoridad sa isinagawang pagsusuri sa bangkay ng biktima habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest