^

Probinsiya

Kolektor ng asg,nahuli

-
Camp Aguinaldo – Umani na naman ng panibagong tagumpay ang ‘crackdown operations’ ng militar laban sa Abu Sayyaf Group (ASG) matapos masakote ang collector ng mga bandido sa isinagawang operasyon sa Isabela City, Basilan kamakalawa.

Kinilala ni Army Chief Major Gen. Efren Abu ang nasakoteng bandido na si Sonny Boy Hamsain, may patong sa ulong P.3 M kaugnay ng pagkakasangkot sa serye ng kidnapping sa ilalim ng pamumuno ni ASG Chieftain Khadaffy Janjalani.

Nabatid na bandang alas 4:40 ng hapon habang nagsasagawa ng security operation ang tropa ng Army’s 24th Special Forces Company (SFC) ng masakote si Hamsain. Si Hamsain ay nagtrabaho pansamantala sa Basilan Dock Handlers Corporation para makaiwas sa mga awtoridad.

Lumilitaw sa imbestigasyon na si Hamsain ang kolektor ng salaping kinokotong ng grupo ni Janjalani sa mga negosyante partikular na sa Port Area ng Isabela City simula ng sumapi ito sa ASG noong taong 1992. Ang suspek ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF GROUP

ARMY CHIEF MAJOR GEN

BASILAN DOCK HANDLERS CORPORATION

CAMP AGUINALDO

CHIEFTAIN KHADAFFY JANJALANI

EFREN ABU

HAMSAIN

ISABELA CITY

JOY CANTOS

PORT AREA

SI HAMSAIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with