Mastermind ng kidnap gang timbog
January 10, 2004 | 12:00am
Camp Crame Matapos ang halos anim na taong pagtatago sa batas, nadakip ng mga awtoridad ang isang itinuturong mastermind ng kidnap-for-ransom (KFR) gang na nagplano ng pagdukot sa mag-asawang Chinese trader sa Marikina City nang matunton ang pinagtataguan nito sa Escalante, Negros Occidental kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang suspek na si Pedro Mabansag, umanoy tiyuhin ng mga convicted kidnapper na sina Roberto Lara at Roderick Licayan na nakatakdang isalang sa death chamber sa Enero 30 ng taong ito.
Sa ulat na tinanggap kahapon ni National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTAF) Chairman Angelo Reyes, ang suspek ay nadakip ng pinagsanib na elemento ng Negros Occidental Provincial Police Office (PPO) at Bacolod City Police dakong ala-1:00 ng madaling araw sa may Sitio Lanipia, Brgy. Magsaysay, Escalante ng nasabing lalawigan.
Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest matapos planuhin ang pagdukot sa mag-asawang Joseph Thomas at Linda Co na nabiktima ng naturang KFR gang noong 1998.
Base sa report, simula umano ng dukutin ang mag-asawang may-ari ng isang kilalang restaurant sa Marikina City ay nagsimula ng magtago sa batas ang suspek.
Nabatid na ang suspek ay nahuli matapos ituro ng mga residente sa isang liblib na lugar na kilalang balwarte ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA).
Patuloy naman ang isinasagawang operasyon ng mga awtoridad upang mahuli ang anim pang nakatakas na kasamahan ni Mabansag. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
4 hours ago
Recommended