Mag-lolo tinupok ng apoy
January 9, 2004 | 12:00am
KAMPO SIMEON OLA Maagang kinalawit ni Kamatayan ang mag-lolo makaraang makulong sa nasusunog na bahay sa Zone 2, Barangay Cadlan, Pili, Camarines Sur kamakalawa ng madaling-araw. Sunog ang buong katawan ng mga biktimang sina Damaso Balisnomo Jr. at Rico Jayve Alma matapos na lamunin ng apoy ang buong bahay dakong ala-1 ang madaling-araw. May teorya ang pulisya na naiwan ng matandang senglot ang gaserang may ilaw habang natutulog. Dito na bumagsak at dahil sa matinding pagkakahimbing ay hindi namalayan na kumakalat na ang apoy na naging dahilan ng kanilang kamatayan. (Ulat ni Ed Casulla)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest