Base sa rekord ng Comelec, aabot sa 44 kandidato ang nagsumite ng kanilang certificate of candidacy sa posisyong gobernador, bise gobernador, bokal at congressman.
Tanging ang partido ng Lakas-CMD ang kumpleto sa line-up ng kandidato at ang iba naman ay tatakbo sa ilalim ng partido independent.
Kabilang sa maglalaban sa pagka-gobernador ay sina Gov. Josie dela Cruz (Lakas-CMD), anak ni Gen. Romeo Maganto na si Rommel Maganto (PMP) at Danny Senosin ng DGIP.
Sina Vice Governor Rely Plamenco at DAR Secretary Roberto Pagdanganan ang mag-aagawan sa puwesto ng bise gobernador.
Aabot naman sa 24 na kandidato ang mag-aagawan sa sampung puwesto sa pagka-bokal, 15 naman sa limang distrito ng Bulacan, 24 na alkalde at bise-alkalde ang mga kakandidato at walong puwesto sa pagka-konsehal sa 24 na bayan. (Ulat ni Efren Alcantara)