Kinilala ng pulisya ang mga namatay na biktima sa aksidenteng naganap sa kahabaan ng South Luzon Expressway na sakop ng Barangay Pulo, Sta. Rosa, Laguna ay sina Candido De Rosas, Joeben Sabadisto, Maning Magno, Carlos Bulima at dalawang hindi pa nabatid ang pangalan.
Nakikipaglaban naman kay kamatayan ang mga biktimang sina Leonidez Mariquina, John Flores, Crisanto Forte, Lilia Cuason, Ernesto Tario, Nelson Francia, Roderick Banago, Jodel Cajetas, Lawrence Kenneth Sutito, Teofines Cuayson, Rodel Ensigne Mercado, Noemi Malabatuan, Andy Velasco, Pastori Madamba at Noel Sibua.
Kabilang naman sa nasawi sa aksidente sa Barangay Kabilang Baybay, Carmona, Cavite ay sina Sozimo Pones at Margarito Repamonte habang kritikal naman sina Orlando Sandagan, Samson Alba, Quimbao, Florentino Badha, Jefferson Calindas, Zenaida Baligaya, Monina Matus, Crisewldad Antonio, Merly Moncaida, Artemio Dalwatan, Melvin Pangan, Juvy Salles, Eladio Jeloca at Mario Satura.
Naitala naman ang pangalan ng mga biktimang nasawi sa Barangay Centro Occiental, Polangui, Albay na sina SPO1 Efren Robrigado ng Camp General Simeon Ola, Legaspi City at Ruel Samar.
Base sa ulat ng pulisya, naganap ang aksidente sa Laguna dakong alas-4:10 ng madaling-araw habang bumabagtas ang pampasaherong bus (DXB 775) patungong Maynila mula sa Guiniangan, Quezon.
Dahil sa madulas ang kalsada ay nawalan ng kontrol ang bus kaya rumampa sa kabilang panig ng highway na nagresulta para masalpok nito ang kasalubong na trak (UJZ 885).
Naganap naman ang aksidente sa Cavite dakong alas-7:50 ng umaga matapos na magkarambola ang limang sasakyang may plakang PJV 691, TWF 925, DBA 746, TVA 828 at WPF 499.
Kasunod nito ay sinalpok naman ng pampasaherong bus (PYK 267) ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng tulay na sakop ng Barangay Centro Occidental, Polangui, Albay. (Ulat nina Ed Amoroso, Cristina G. Timbang at Joy Cantos)