Obrero todas sa drayber

JALA-JALA, Rizal – Binaril at napatay ang isang 24-anyos na obrero ng drayber at bodyguard ni Mayor Jose delo Santos makaraang makulitan sa biktima ang huli sa Sitio Tabingan, Barangay Bayugo kahapon ng madaling-araw, ayon sa ulat ng pulisya. Hindi na umabot pa ng buhay sa Jala-Jala Municipal Hospital si Erwin Panguito, samantalang sumuko naman ang suspek na si Direk Magararu, 32. Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na ipinarada ng suspek ang minamanehong sasakyan malapit sa ginanap na sayawan. Ayon sa pulisya, nilapitan ng biktimang lango sa alak ang suspek na nakaupo sa sasakyan at dahil sa kakulitan nito ay agad na pinaputukan ng baril ni Magararu na ikinasawi naman ni Panguito. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments