Punong-guro pisak sa trak

NUEVA ECIJA – Isang 59-anyos na punong-guro ng elementarya ang iniulat na nasawi makaraang masalpok ng trak habang nagbibisikleta ang biktima sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay Malayantoc, Sto. Domingo, Nueva Ecija kamakalawa ng hapon. Durog ang buto ng biktimang si Rogelio Gante y Diccion ng Barangay Kumitang at punong-guro sa Kumitang Elementary School. Dinakip naman ang drayber ng trak (UAL 491) na si Armando Sta. Maria y Garcia, 40 ng Barangay La Fuente, Sta. Rosa, Nueva Ecija. Naitala ang aksidente dakong ala-1:45 ng hapon habang nagbibisikleta ang biktima patungo sa Cabanatuan City. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments